Dumating sa bansa ang UN Special Rapporteur na si Agnes Callarmard para sa isang pagtitipon umano na inihanda ng CHR sa Pilipinas. Ayon pa sa CHR head ng bansa na si MR. Gaston, hindi na kailangan pang magpaalam ni Callamard sa palasyo dahil hindi naman daw opisyal ang kanyang pakay sa pagpunta sa bansa. Kaya't kung ano man ang report na makukuha ng UN Rapporteur ay hindi ito maituturing na official report. Dagdag pa ni Mr. Gaston, matagal na raw na naghihintay si Agnes Callarmard ng opisyal na imbitasyon mula sa gobyerno ng Pilipinas para imbestigahan ang umanoy EJK sa bansa. Ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa rin itong natatanggap.
Sa kabilang dako, salungat naman ito sa pahayag ng Palasyo na mistulang nabastos ng CHR dahil sa pagdating ng UN Rapporteur ng walang paalam. Ayon pa sa palasyo, matagal ng opisyal na inimbitahan ang UN Rapporteur ng gobyerno ng Pilipinas ngunit wala itong tugon.
Panoorin:
share if you like..